Thursday, September 27

sama ng loob at ang munting pag-asam....













asar talaga. sana indi na lang in-add ng inblack-club ung aking tula kung aalisin din lang naman nila!!!! grrrrrrrrrrrr..... nakakasama pa lalo ng loob.. parang nang-aasar pa. talo na nga, pinaasa pa ako. haaay naku..







munting pag-aasam... isang pagkakamali... pag-aasam na imposibleng maisakatuparan. isang pagnanasa na maitatago sa madilim na sulok ng aking nagdurugong pusong itim...



awww sheesh.. snap out of it.. *lma0*






minsang pag-aasam na maging nimpa ng iyong panulaan,
maging prinsesang nakaupo sa bawat salitang nakalalango ng emosyon,
maging musa sa palabaybaying kahawak-kamay ang talinghaga,
mabalot sa pagitan ng mga linya ng lirikong sinusubuan ng insenso,
lumangoy sa kalaliman ng karagatan ng mga salitang paulit-ulit na sinisisid.
aking mga mata'y kay riin ng pagkakapikit, upang mabalot ng dilim,
upang sa pagdilat ay malunod ng liwanag ng iyong ngiti
kasabay ng bawat paghinga ng plumang naging kaisa ng iyong kaluluwa,
minsang pag-aasam na makasayaw ka sa kalawakan,
kasiping ng mga bituing kumikindat sa reyna ng kanilang kaharian,
makayakap habang nakahimlay sa mga neblina ng makulimlim na umaga,
minsang pag-aasam na tanging ang tinta ng pluma at ang aking nagnanasang utak ang makakapagsakatuparan...



the end... =)



Thursday, September 20

ang pag-harakiri ng aking itim na puso












bago ang lahat, gustong gusto kong ishare ang kantang ito.. kasi naiisip ko ung mga close kong friends sa dA, saka si lloyd... pati si kuya ko...



------------------------------------------------------------

sa pagbalot ng lumbay sa aking nagpipighating puso,
karimlan ay pumupuno sa aking kaluluwang uhaw,
sa bawat patak ng luha, katawa'y napapaso,
sa bawat buntong-hininga, bingi na ang isipan,
sa pag-asam ng aking pusong nahahapis,
yakap mo'y pumapalis sa lamig ng kalungkutan,
pusong sugata'y umuuwi parati sa init ng iyong yakap...




ate tintin, kuya ken, maika, adri, elle, sarah, kuya, lloyd... sa bawat patak ng maalat na luha sa aking sugat, ang inyong mga ngiti ang siyang pumapawi sa hapdi... sa init ng pagmamahal na inyong handog, nagkakaroon ng rikit ang bawat gabing pumupuno sa aking kaluluwang nauuhaw sa munting pagmamahal na maihahandog ng malupit na katotohanan.



####





wala na namang kuwenta ang araw na ito. dapat ay gagawa na ako ng poem para sa contest sa inblack-club sa dA. ang problema lang, ngaun ang deadline. ang mangyayari, rush. gagawin ko na lang impromptu kasi wala akong choice. ayoko na sana kasi naman, ngaun na lang nga sasali ng contest sa dA, di ko pa kakaririn. i mean, ndi naman ako nag-aasam ng premyo. ang gusto ko lang, kahit minsan naman ay magprepare ako ng mabuti para sa isang contest.

gusto kong mag-ensayo sa paggamit ng photoshop para kapag nag-aaral na ako, kaunting tweaking na lang ng kaalaman. kaso, ndi ko alam kung paano magsimula. ewan ba. haizt naku. stuck na ako sa microsoft paint. napakaunti ng features ng application na un. pero kahit papaano ay nahahasa ang aking kakayahan sa digital art. napansin ko, medyo steady na ang aking kamay. pero siyempre, sa kagustuhan kong matuto sa shading, medyo mahirap aralin un sa paint. saka, mas maraming epektos ang malalagay ko sa mga digi art ko kapag marunong na ako ng photoshop. gusto ko magtutorial pero siguro next time na lang. talagang tinatamad ako...


gusto ko lang ipakita sa inyo ang ilan sa mga nagawa ko nang digital art. ndi pa ako ganun kagaling, wala pa akong established na style [ndi katulad sa paggawa ng tula, meron na akong style, ung masasabi bang "theta style" or "chubby-cheeks-10 style". hehe]



50x50 ang size nito. unang avatar ko sa dA. sa paint ko ginawa yan. natutuwa akong tingnan itong gawa kong ito. wala lang. kasi nag-effort ako jan. pramis... ;]




ginawa ko para sa isang kaibigan na taga dA nung birthday niya. at dahil ndi ako magaling gumawa ng mata at gusto ko mejo mukang cartoons, ginaya ko ung south park. pero xempre, sinigurado ko na kahit papaano ay magmukhang ndi siya sobrang kopya sa south park. kaya tingnan ninyo. sa paint ule yan. pangit ng gawa ko kasi tingnan mo ung katawan, mukang ewan. at mukang nahu2log ang palda.. *lmao*. pero ok na rin, sinabi naman ni kuya paul [crush ko yan eh. haha] saka ni kuya ken na cute ung ginawa ko. saka nagustuhan naman ng ginawan ko niyan. kaya solb na rin kahit mukang gago.. *lmao*



intended as deviant id. at hulaan ko kung saan ko ginawa? korek korek! sa paint ule! *rofl*. pero ung tweaking nito [ung border] ay sa photoshop ko ginawa. palpak ung border. dapat kasi inuna ko ung border bago ung sangkatutak kong nickname. sa lahat ng digi art ko, eto ang pinakagusto ko. i can say that this is the neatest so far [although palpak pa rin. LOL]. south-park inspired ulet pero ndi mukang southpark talaga. sabi nga ni kuya ken, sana mas niliitan ko pa ung lower torso para mas southpark ang dati. sa pagkakasabi niya un, na-feel ko na halos muka na siyang south park, na siyang kinatuwa ng gaga.. *rofl*. magandang feedback ule mula kay crush. haha. kaya solb ule.. hihi



panibagong avatar. southpark-inspired ulet. hehe. kasabay yan ng aking ginawang deviant id. hehe. mejo nahirapan ako dito. ewan ko ba. siguro dahil tinatamad na ako. LOL.




ang pinakamaeffort sa lahat at ang pinakamukhang southpark. ginawa ko para kay kuya ian, isang dA friend din. kinarir ko kasi parang big brother ko 'to. kaya aun. aus naman ang resulta. siguro pag sinipag ako, gawa ule ako ng panibago. pero tinatamad talaga ako. happy ako kasi nagustuhan niya. kaso problemado ako ng mga panahong ito, sabay nag-hiatus ako pagkatapos kong gawin ito. kaya ndi ko rin feel masyado ung happiness na naidulot ng pagkagusto ni kuya ian sa gawa kong ito.. *sigh*



ito ung natatanging digi art na ndi ko naipakita sa kahit na sino sa dA. supposedly, deviant id ito. pansinin ninyo ung bg color. para magblend ung kulay sa dA, ganyan ginawa ko. ilang oras ko rin itong pinaghirapan. effort to the max. ultimo ung detalye ng peyborit kong headband, pinaghirapan ko. at dahil ndi talaga steady ang kamay ko [palagay ko pag maggraphic designing na ako, dapat bumili ako ng tablet. un nga lang, sobrang mahal ng tablet para sa isang pobreng katulad ko LOL.] nahirapan akong gawin ang buhok. ndi pa ako talagan maalam sa lighting at sa hair strands. hehe. dito ko sinisimulang iestablish ang aking sariling style. at nang natapos, pinost ko sa dA. ilang beses ko pinalitan kasi mali ung bg para sa purpose ko. so aun, palit, palit, palit. hanggang sa naisip kong idelete na lang kasi napangitan ako. ang dating ko sa art na ito, masyado akong seryoso at parang snob. saka muka akong matanda [actually, muka talaga akong matanda for my age. *rofl*]. kaya, bago pa nakita ng mga c0-dA ko, dinelete ko na.. *rofl*





###





napapansin ko, masyado na akong tamad. pati pali2go, pinagkakatamaran ko! yakki! shet! at ang pinakamatindi, tinatamad na akong mag-isip. grabe. kanina, usap usap kami ni lloyd. pinag-uusapan namin ung tungkol sa proposal. sabi niya, dapat mahaba daw ang intro na gagawin sa proposal dahil dapat daw ganun sa kanilang course. tapos, napaisip ako na ndi ko na kayang habaan ang ginawa ko. naasar ako at magrereact sana na "ilang pages ba gusto mo?" tinanong ko na lang kung ilang paragraphs at kung tama na ung isang page. tapos bigla kong narealize, STATEMENT OF THE PROBLEM ang nasa utak ko.. pucha! hahaha! ;P





###




lumabas ako kaninang 5 pm para mamalengke sa gapo. marami kasi dun malalaking fish saka late na kasi ako naggising kaya wala na akong pag-asa na makahanap ng isda pag hapon. saka bihira ang beef sa subic, di tulad sa gapo na laging may beef. so aun. hehe. nagdalawang isip pa ako kung mali2go ako. pero dahil ang init saka nakakahiya naman sa mga pasahero ng jeep na maamoy nila ako [baka amoy putok na ako. haha!], naligo ako sa loob ng 30 minutes. at nabigla ako sa buhok ko. wow shetty, ang kintab kintab. may maganda rin palang naganap sa katawan ko sa hindi pagligo [kaya tip ko sa inyo, wag laging magshampoo ng buhok para makintab. hehe]. inamoy ko ang sarili ko. yehey! amoy tao na ako.. hahaha!


so aun, ikot ikot. . bumili ako ng bagong headband na may magandang accessory. wahihi. girl na talaga ako! hehe. tapos nung bi2li ako ng saging, nagandahan ako sa babae [hehe. walang masamang humanga sa kapwa babae! ;p]. tatanungin ko siya kung matamis ung saging. muntik ko nang sabihin na "kasingtamis ba yan ng ngiti mo, miss?" ang nasabi ko na lang ay "kasingtamis ba yan....", kasi bigla kong narealize na baka mapagkamalan akong tibo. naramdaman kong uminit ung mukha ko. tapos tumawa na lang ako. nasabi ko na lang, "ano ba yang pinagsasabi ko? hehe". natawa na lang ung babae...

naku, dami nagbebenta ng kalamansi. asar na asar ako kasi sunod ng sunod, eh andami pang kalamansi sa bahay. badtrip din ung isang bata na nagbebenta ng plastik. kasi nakita niya na nakabili na ako ng malaking plastik, binebentahan pa ako. as if naman ako lang ang namamalengke nung mga panahong un. kaso kasi naawa na ako at siguro naman, ndi kawalan ang dos pesos. kaya un, binili ko na. humirit pa ung bata, siya na daw magbuhat. heller noh! kaya ko siyang buhatin habang bitbit ung mga pinamili ko. kumusta naman kasi ang katawan ko.. laki laki ko. tapos sila, ang liit nila at payat. praktisado naman sila sa kanilang linya "sige naman ate. pangbaon ko lang bukas." i believe them naman, kaso i think it is not practical to hire such kids to carry my purchases. malaki katawan ko at kayang kaya ko.

anyway, aun, tuloy pa rin ang pag-ikot ikot. isa na lang kulang. cream of mushroom. so naningin ningin ako sa mga stalls sa palengke. may isang stall, ung nanay natutulog. ung anak ung gising. nakita ko na may cream of mushroom sila, kaya tinanong ko kung magkano. siyempre, ndi alam nung bata. kaya tinanong niya ung nanay. tulog pa ung nanay pero sinasagot niya ung anak niya. una, ang sabi ay P50, tapos nung nilinaw [kasi pinakita ko ung gulat ko sa presyo. ndi un ganun kamahal noh!], sinabi P40. nagulat pa rin ako. nilinaw at sinabing P40. napabulalas ako ng "goodness gracious! ang ginto naman niyan!". as far as i know, mga P25 lang un. so naghanap ako sa ibang stall. may isang stall, sabi niya P35. bi2li na sana ako, kaya lang nung incheck nila, cream of corn saka cream of asparagus na lang ang available. ayoko sana sa grocery. nakita ko kasing puno ung choa's. pero nakita ko ung katabi nun, ung oscar's. kaya dun ako bumili. at nalaman ko na P26.50 lang ang cream of mushroom! goodness gracious!!!


nung pauwi na ako, iniisip ko pa na imposible akong makasalubong ng mga former classmates. actually, kaya ndi ako lumalabas ay para ndi ko sila makasalubong... nung malapit na ako sa sakayan, ang suwerte ko! shetty! dalawang former blockmates. at kahit matabang mataba na ako compared sa dati, nakilala pa rin nila ako. kinumusta ako. hehe. at sobra kong suwerte. di lang pala sila 2, may kasama pang 4. haha! aun. ang ganda pa rin ng crush ko na si jean [ndi ako tibo! hehe. maganda lang talaga si jean kaya hanga ako sa kanya]. tinanong ako ni eric kung saan ako nag-aaral. ang sagot ko ay sa bahay. kala niya na-offend niya ako sa tanong ko kaya nag-sorry siya pero ngumiti ako at sinabi ko "hehe. pero next sem, balik ako skul". sabi ni cheri, "you're so fat! joke!" hehe. tumawa ako kasi totoo naman! hehe. eto namang si raich, inulit pa. "you're so fat! joke!" natawa ulet ako siyempre at sinabi ko nang pabiro "ang yabang ninyo, palibhasa pumapayat kayo!". haha! so aun, tinanong ako ni cheri kung babalik ako sa nursing. sabi ko naman, "ang kapal naman ng mukha ko para bumalik sa nursing." siempre, kontra sila kasi marami daw na nawala ang bumalik sa nursing. ndi na rin naman ako makakabalik kasi ndi ako nag-leave of absence. uulitin ko pa ung mga un kung saka-sakali. huhu. saka ayoko na talaga. kaya nga nagloko ako eh. haha. so aun. saglit lang kami nag-usap usap kasi muka na rin silang nagmamadali.

may 2 akong narealize...

1. miss ko na ang block d...

at

2. buti na lang, naligo ako! *rofl*


###



sa aking pagsakay sa jeep pauwi, dama ko pa rin ang ngiti sa mga labi ko kahit ilang minuto na ung lumipas nung nagkita kita kami ng mga former blockmates. bigla kong naisip na nitong mga huling araw, tila ang dali na para sa akin ang ngumiti. siguro naman na-realize ko rin na bakit ako dapat maging malungkot lagi, eh may mga nagmamahal naman sa akin. sa dA saka sa bahay. at siyempre, damang dama ko ang pagmamahal ni lloyd.. aweeee!

palagay ko, ndi ko lang namalayan na nagharakiri na ang itim kong puso at natalsikan ng dugo ang kabuuan ng aking puso...










Wednesday, September 19

alaala ng kainosentehan, pananatili sa surealismo, at ang pakikipaghabulan kay mr. sandman













sa paghahalungkat ko ng multiply account ko, nakita ko ang mga lumang litrato... mga nagsisilbing alaala ng mga panahon na mejo inosente pa ako [grade 4 pa lang ako ay di naman ako sobrang inosente. ngaun nga lang ay wala na akong bakas ng pagiging inosente. pagiging tanga na lang.. *rofl*] at nahihiya pa akong magsulat ng mga erotica.
at dahil ayaw mag-embed...

eto ung link: http://www.rockyou.com/show_my_gallery2.php?source=ppsl&instanceid=84509165

puntahan mo na lang kung interesado ka... *rofl*



######



wala na ako talagang balak umalis sa dA, at ayoko nang mag-hiatus hiatus kaekekan artehan blues na yan... eh kaw ba naman, makilala mo sina maika lazarte, kalvin ken frias, adrian [di ko alam kung ano apelyido niya, basta aussie to], danielle [ndi ko rin alam apelyido niya, basta bulgarian to], at lalong lalo na sina kristine buenavista, ian walter along at rob arevalo [mga makata na sadyang mataas ang respeto't paghanga ko, at walang isang pagkakataon na inisip ko na sana kadugo ko talaga sila *lol* at oo, kuya ian, isa ka na ring ganap na makata para sa akin ;)], gusto mo pa bang lumayas sa dA? at kung di mo ako ma-gets, makipagkaibigan ka sa kanila. pero, sali ka muna sa dA... *rofl*




######




sa aking procrastination, hindi ko nagawa ang proposal para sa gagawin niyang system. at dahil naipangako ko na ipapadala ko sa kanya via text messaging [hayuf, spell effort nga naman oh!], wala akong choice kundi mag-impromptu proposal. mejo napatagal nga lang dun sa statement of the problem dahil sa bukod sa wala akong maisip [sabog ako pag walang tulog], masakit ang hinlalaki ko. *rofl* pero, sa ibang bahagi naman ng chapter 1, mas mabilis. un nga lang, may mga ndi ako naisama sa scope and limitations, kaya sinabi ko na isingit na lang niya.


pero ndi pa diyan nagtatapos. may rrl pa na nag-aabang sa akin... at wala pa akong nahahanap na related lit para dun... pero mamaya na un. tulog muna ako. *rofl*

sapagkat ang pluma ang aking sasakyan patungo sa langit...















ilang blog na ba ang aking ginawa pero ndi ko na-maintain..? ang tanging journal ko na laging updated ay ung sa deviant art account ko... T.T

tabulas, live journal, dating account sa blogger, friendster blog... lahat niyan inamag na dahil na rin sa pagiging ningas kugon ko....

at ngayon... ANO, THETA?!!!!! BAGONG BLOG NA NAMAN? SIGURADONG AAMAGIN NA NAMAN YAN!!! hmmm..


bakit nga ba? eh wala lang!! harhar. actually, dun kasi sa dA, wala akong choice kundi mag-english! kumusta naman kasi, 3/4 ng mga nagbabasa ng journal ko eh mga foreigner... harharhar!!! kaya aun.. tsktsktsk...
sa totoo lang, bobo na ako sa paggamit ng filipino... mali mali ang grammar ko. mali ang structure ng sentence.. at kadalasan, kinakapa ko pa ang mga salita na gagamitin ko... x_O

so aun... gusto ko naman magsulat sa filipino.. hehe... kahit isa o dalawa ang audience... o kahit wala na.. haha. basta mailabas lang ang sama ng loob at ang mga bagay na naiistuck sa ulo ko... *rofl*




######


speaking of sama ng loob, kawawa naman si lloyd. iyak nang iyak kanina.. nakakagulat kasi kadalasan, ako umiiyak sa kanya tapos siya nagpapatahan sa akin. tapos kagabi, siya naman ang pinapatahan ko. siguro, sa dami ng peklat ng kaluluwa't puso ko, naging matigas na ako sa problema. saka alam ko naman na hindi pa talaga kami pwedeng maging magkasintahan in the open. you know, ang pwede lang ay ung magmahal pero ndi pwedeng pumasok sa isang relasyon. nauunawaan ko naman eh. ako, gumawa ako ng kalokohan dahil sa ex. siya naman, natatakot siguro ung mga magulang niya na maging pinaka-prayoridad niya na ang kasintahan at biglang makaisip na mag-asawa na bago mapaaral ang mga kapatid.. *rofl*


masyadong mahirap ang sitwasyon namin. bawal na nga, malayo pa. siguro, tama na muna ung mahal namin ang isa't isa at wag nang isipin ang relasyon relasyon na yan. aral muna bago puso. sabi nga ng peyborit motto ng mga elementary students, "study books, not study boys" *rofl* pero totoo nga. sabi nga, ang puso, makakapaghintay... at yan na nga ang hinihintay namin...


...at hinahantay naming lumipas ang sampung taon bago isipin ang puso at ang lahat ng konektado sa pag-ibig, lalo na yang kasal kasal na yan. =)



######


masyadong tutol sina kuya at ate sa aking pag-dA. nauubos daw oras ko dun. dati kasi, babad ako sa net. ngaun, pag inatake lang ng sipag [lahat talaga kinakatamaran ko, kahit ang pagkain at ang pagpaligo! yakki!]. saka, nagalit pa si kuya sa blog description ko sa dati kong friendster blog. kasi ang implikasyon nun, tumatakas ako sa realidad. detachment to reality = kabaliwan. pero... ndi ako nagdedetach sa realidad. kung ikaw ay masyadong nagbabad sa mapait na realidad, mawiwindang ka. pag ndi ka naman bumalik sa realidad mula sa surealismo, kawindangan pa rin bagsak mo. balanse lang talaga ang katapat. wala namang masama kung may sanctuary ka, tulad ng pagsusulat o kaya pagguhit o kaya musika. basta, ang importante, wag kalilimutan na ang mga pakpak na ginagamit patungo sa mundo ng imahinasyon ay gawa sa papel, kaya matutong bumaba mula sa kalangitan ng surealismo at itupi nang maayos ang mga pakpak na papel pagkaapak sa lupa ng mapait [pero matamis din minsan] na realidad.