Wednesday, September 19

sapagkat ang pluma ang aking sasakyan patungo sa langit...















ilang blog na ba ang aking ginawa pero ndi ko na-maintain..? ang tanging journal ko na laging updated ay ung sa deviant art account ko... T.T

tabulas, live journal, dating account sa blogger, friendster blog... lahat niyan inamag na dahil na rin sa pagiging ningas kugon ko....

at ngayon... ANO, THETA?!!!!! BAGONG BLOG NA NAMAN? SIGURADONG AAMAGIN NA NAMAN YAN!!! hmmm..


bakit nga ba? eh wala lang!! harhar. actually, dun kasi sa dA, wala akong choice kundi mag-english! kumusta naman kasi, 3/4 ng mga nagbabasa ng journal ko eh mga foreigner... harharhar!!! kaya aun.. tsktsktsk...
sa totoo lang, bobo na ako sa paggamit ng filipino... mali mali ang grammar ko. mali ang structure ng sentence.. at kadalasan, kinakapa ko pa ang mga salita na gagamitin ko... x_O

so aun... gusto ko naman magsulat sa filipino.. hehe... kahit isa o dalawa ang audience... o kahit wala na.. haha. basta mailabas lang ang sama ng loob at ang mga bagay na naiistuck sa ulo ko... *rofl*




######


speaking of sama ng loob, kawawa naman si lloyd. iyak nang iyak kanina.. nakakagulat kasi kadalasan, ako umiiyak sa kanya tapos siya nagpapatahan sa akin. tapos kagabi, siya naman ang pinapatahan ko. siguro, sa dami ng peklat ng kaluluwa't puso ko, naging matigas na ako sa problema. saka alam ko naman na hindi pa talaga kami pwedeng maging magkasintahan in the open. you know, ang pwede lang ay ung magmahal pero ndi pwedeng pumasok sa isang relasyon. nauunawaan ko naman eh. ako, gumawa ako ng kalokohan dahil sa ex. siya naman, natatakot siguro ung mga magulang niya na maging pinaka-prayoridad niya na ang kasintahan at biglang makaisip na mag-asawa na bago mapaaral ang mga kapatid.. *rofl*


masyadong mahirap ang sitwasyon namin. bawal na nga, malayo pa. siguro, tama na muna ung mahal namin ang isa't isa at wag nang isipin ang relasyon relasyon na yan. aral muna bago puso. sabi nga ng peyborit motto ng mga elementary students, "study books, not study boys" *rofl* pero totoo nga. sabi nga, ang puso, makakapaghintay... at yan na nga ang hinihintay namin...


...at hinahantay naming lumipas ang sampung taon bago isipin ang puso at ang lahat ng konektado sa pag-ibig, lalo na yang kasal kasal na yan. =)



######


masyadong tutol sina kuya at ate sa aking pag-dA. nauubos daw oras ko dun. dati kasi, babad ako sa net. ngaun, pag inatake lang ng sipag [lahat talaga kinakatamaran ko, kahit ang pagkain at ang pagpaligo! yakki!]. saka, nagalit pa si kuya sa blog description ko sa dati kong friendster blog. kasi ang implikasyon nun, tumatakas ako sa realidad. detachment to reality = kabaliwan. pero... ndi ako nagdedetach sa realidad. kung ikaw ay masyadong nagbabad sa mapait na realidad, mawiwindang ka. pag ndi ka naman bumalik sa realidad mula sa surealismo, kawindangan pa rin bagsak mo. balanse lang talaga ang katapat. wala namang masama kung may sanctuary ka, tulad ng pagsusulat o kaya pagguhit o kaya musika. basta, ang importante, wag kalilimutan na ang mga pakpak na ginagamit patungo sa mundo ng imahinasyon ay gawa sa papel, kaya matutong bumaba mula sa kalangitan ng surealismo at itupi nang maayos ang mga pakpak na papel pagkaapak sa lupa ng mapait [pero matamis din minsan] na realidad.









No comments: